15

                                                                                                                                         July 29, 2022                                                                                                                                                                                                                                                                    Imus City, Cavite

 

Dear Mariam,

         Mahal ko,ilang buwan na rin noong umuwi ka sa bahay niyo, dahil sa pagdating ng iyong ama mula sa probinsya sa Mindanao. Biglaan iyon ngunit inaasahan na natin. Sinundo pa kita noong gabing iyon sa trabaho noong sinabihan ka ng kapatid mong lalaki. Kaya't magkalayo tayo ngayon sa katawan, ngunit sa puso ay nanatiling matiabay kahit na away at bati. Away at bati ang nagpatibay sa atin. Patunay na pagmamahal ang nananaig sa atin. 

        Parehas na tayong manager ngayon, sa Dunkin ka, ako nama'y sa Red Ribbon. Mas mataas ang sahod mo sakin, lamang lang ako sa day-off dahil dalawa ang akin kada linggo, sampung oras kada araw. Maganda naman ang takbo ng ating mga trabaho at mabuti ang ating mga kasama kahit papano, subalit wala namang perpektong kasama, dahil may masasabi pa rin tayo sa mg iyon. Ganun din naman sila sa atin. Pansin ko naman na may progreso tayo sa trabaho at unti-unti nang nasasanay sa pagiging manager.

        Lahat ng inaasahan ko sa pagiging manager totoo. Nakaka-stress. Pero mawawala lang iyon kapag nasanay na sa trabaho at pagiging organisado. Hindi kalakihan ang sahod pero tumataas sa pag tagal.

        Sa pagdating ng iyong ama, maganda naman ang nangyari dahil dalawang beses kaming nagkausap nang bumisita ako sa inyo. Napag-usapan namin ang iba't ibang bagay patungkol na sa relihiyon, sa trabaho, sa pag-aasawa at sa tamang pamumuhay. Kristiano ako at Muslim ka. Bawal na pag-ibig para sa nakararami. Pero hindi ako naniniwala doon. Naniniwala ako na naka depende iyon sa dalawang taong mag dedesisyon ng kanilang buhay sa kasalukuyan, para sa hinaharap.

        Handa naman ako sa alok ng iyong ama sa dowry at paggiging handa bago ikasal, ngunit bukod doon ay ang pagpapalit ng relihiyon. Handa rin naman ako doon at sa iba pang serimonya para sa atin, ngunit mananatiling tapat ang puso ko sa pagiging Kristiano. Lihim ito na walang makaka-alam bukod sa sayo. Para lang makasal tayo. Siguro nga mas maigi kung sa Mindanao tayo ikasal. Gusto ko rin makapunta doon at malaman ang pamumuhay ng mga tao doon. 

        Nakakapagkita pa rin naman tayo palagi, halos araw-araw. Minsan ikaw ang pmunta sa akin, minsan ay ako naman. Sa trabaho tayo palagi nagkikita, at ito na ang naging pangalawang tahanan natin, kung saan kinukupkop ang ating mga puso. Alam nating ganito pa rin ang magiging sistema sa darating na linggo at buwan, pero 'di magtatagal ay magsasama na uli tayo. Sa ngayon ay linangin natin ang ating mga kakayahan at ang karera sa buhay para sa atin at ating mga pamilya. 

        Marami pang bagay na mangyayari at isusulat ko kung buhay pa ako at kaya pa ng aking katawan. Hanggang sa muli kapares ng aking dibdib.


                                                                                                                    Your love,

                                                                                                                      Jared

Comments

Popular posts from this blog

18

4