18

                                                                                                          September 8, 2022                                                                                                           Imus City, Cavite

 

Dear Mariam,

         Mahal ko, nagsimula ng ang negosyo at maganda ang benta nito. Dalawang libo kada araw kadalasan ang kita. Pwede na rin. Magaling din ang tindero ko, at kadalasan 400 ang sahod niyo kadaaraw, pero linggohan ang bigay. Pang-apat na araw na ngayon ng negosyo at naka pwesto ito sa may LTO sa Imus, sa dinadaanan ng GEANHS, CAVSU, at paliko Elementary School. Alam kong nasa tamang lugar, tamang produkto, at tamang panahon, at tamang tao ang negosyong ito. Malayo ang mararating nito kung magtutuloy-tuloy. Sa isang taon pa raw mag-aaral si Gelo kay may isang taon pa na medyo sigurado na magtutuloy tuloy ang negosyo. Kaya nag-iisip din ako ng pwedeng magtinda kung sakaling mawala si Gelo.

        Sa trabaho naman, medyo sanay na ako sa mga bagay-bagay. Nakakapa ko na ang pamamalakad at sistema. Pero wala namang perpekto kaya may onting aberya lang palagi at pagkakamali. Sa kabuoan, masasabi kong sanay na rin. Pero kung papapiliin ako, trabaho o negosyo, mas gusto ko mag negosyo.

        Sa relasyon natin, masasabi kong naiinip na ako sa pag-alis ng iyong ama. Gusto na kitang makasama, araw-araw. Nagkikita naman tayo minsan pero saglit lang, at akukulangan ako sa oras na iyon. Sinusulit ko naman kada segundong magkasama tayo. Meron parte ng sarili ko na naiinis ako dahil wala akong pera, bahay para maging dahilan para magsama tayo. Siguro nagmamadali ako sa atin, pero di rin naman ako nagtitiwala sa bukas o makalawa kung buhay pa ako. Walang nakakaalam, kaya't hanggang maari sana walang masayang na panahon.  Kaya sa pag-uumpisa ng negosyong ito, siguro maiibsan nito ang lumbay dahil maibabaling ko ang aking isip dito, at dahil din dito, makakatulong ito pandagdag ng ipon para sa atin. Naniniwala ako sa bagay na ito kaya sana mag tiwala ka rin. Hanggang sa muling bukang liwayway ng ating mga panahon.

 

                                                                                                                    Your love,

                                                                                                                      Jared

Comments

Popular posts from this blog

4

15