20
December 31, 2022 Imus City, Cavite
Dear Mariam,
Mahal ko, ilang oras nalang ay tapos na ang taong ito, sasalubunigin ng konting tao na may konting handa, konting kasayahan na may kapayapaan. 'Di man magarbo ngunit payapa ang panahon ngayon. Sapat naman ngyon. Malulusog halos ang lahat, bukod kay papa na may enlargement prostate. Ganun daw talaga 'pag tumatanda ang mga lalaki. Sana gumaling din.
Mahal ko, maganda naman ang takbo ng negosyo at malapit nang mag-umpisa ang pares, sana pagtapos ng dalawang linggo ay makapag-umpisa na. Malapit na rin ako mag trabaho muli, at muli kong pag sasabayin ang trabaho at negosyo hanggang mabging sapat ang kikitain ng negosyo para 'di na ko mag trabaho. Kakailangain ng malaking pera para sa isang malaking negosyo na mag papatigil sa atin sa trabaho, at magkasama nating papalaguin iyon. Sana pagkalooban tayo ng lakas at katalinuhan sa ikatatagumpay noon, ganun din ng tamang tao at mga tutulong din naman sa kahabaan ng daan na ating lalakbayin. Malayo pa ito, pero 'di naman magandang madaliin ang mga bagay-bagay. Dadating ang dapat dadating. Sabi nga sa isang kasabihan "Hoping for the best, but expecting the worst", 'yan ang moto ko palagi.Kaya hanggang sa muli mahal ko.
Your love,
Jared
Comments
Post a Comment