2nd
August 18, 2021 Imus City, Cavite
Dear Mariam,
Mahal ko, alam kong may oras na palagi tayong nag-aaway at hindi may pagkakaintindihan sa mga bagay-bagay, ngunit alam kong baliwala lang lahat ng 'yun kung ikukupara sa lahat ng kasiyahan at magagandang nagawa natin sa isa't isa. Lalong tumatagal na tayo ay magkasama, lalo kitang naiintindihan. Naawa ako sa iyo mahal ko, sa mga dinadanas mo ngayon, humihingi din ako ng pasensya dahil wala ako masyadong magawa sa ngyon. 'Wag kang susuko palagi. 'Wag mong hahayaang masira ang araw mo dahil lang sa isang pangyayari. Natatalo ng pag-ibig ang lahat. Ikaw 'yung kilala kong taong matiisin, matibay, at hindi sumusuko basta-basta. Nakukuntento ka kung ano ang meron. Hindi palaging nasa baba ang tao. Dadating din ang oras natin, Mahal na mahal kita palagi.
Your love,
Jared
Comments
Post a Comment