4

                                                                                                                                       August 27, 2021                                                                                                                          Imus City, Cavite

 

Dear Mariam,

         Mahal ko, bukas ay ikalawang buwan ng ating relasyon. Naalala ko lang na tuwing magtatapos ang buwan ay may hindi tayo pagkakaintindihan o pag-aaway? Gaano ba kahalaga ang panahon kung may 'di nagtatapat sa bawat oras? Sa haba ba ng oras o panahon ng pagsasama nasusukat ang tunay na pagmamahalan? Saang bagay ba tayo nagkakasundo?

       Mahal ko, hindi maganda ang pakiramdam ko kahapon, pasensya ka na. Palagi natin na aayos kung may problema tayo, 'yun ang maganda. May hinihintay pa tayo sa unang buwan ng Septembre, sana maganda ang resulta. Tagal ng pinasahan ko, medyo naiinip na naman ako. Naalala ko tuloy dati habang nakahiga ako sa bubong, iniisip ko ang dalawang bagay, na kung magtatrabaho ako, magkakapera ako at marami akong mabibiling bagay. Kung wala naman akong trabaho, wala akong masyadong pera, ngunit hawak ko ang oras ko at marami akong magagawa. Marami ba akong nagagawa ngayon? Marami ba akong gusto pang malaman? 'Di ako masyadong makagalaw ngayon. Tiwala lang. Panapanahon lang palagi.

        Mahal ko, mayroon tayong 24 hours sa isang araw, at ideally 8 hours nun ay para sa pagtulog. 8 hours naman para sa trabaho, 1 oras sa na pahinga sa trabaho. 1 oras na ilalaan sa pagpasok at pauwi sa trabaho. 2 oras para sa pagluluto, pagligo, pag-aayos at pagbibihis, at pagkain natin. 4 na oras nalang ang natitira sa ating sarili. Kaya kong ibigay ang 3 oras sa iyo. Hindi sa maliit ang tatlong oras, sadyang 'yan nalang talaga ang matitira. Nagtira lang ako ng 1 oras para sa akin.

        Mahal ko, alam kong alam mo kung ano ang mga kahinaan ko, mga butas ko, at paano ako mag-isip. Mga bagay na 'di ko pinapakita sa ibang tao at tinuturing na misteryo? 'Wag mo sana gagamitin laban sa akin ang mga bagay na pinagkatiwala ko sa iyo. Dadating din ang panahon at magtutugma ang ating oras, libangan, at mga minimithing gawin sa buhay.    

        Mahal ko, Mariam ko, hindi ibig-sabihin na may ko pagkatapos ng Mariam ay pagmamay-ari kita, kundi pagsasabi lang iyon na nasa iyo ang puso ko, at nasa akin naman ang iyo. Isa para sa isa. May pagkakataon na nawawala ang tiwala ko sa iyo, pasensya ka na, hindi ko gusto iyon, walang may gusto noon. Nadadala ako ng malikot kong pag-iisip. Ngunit palagi kong iniisip na sana mali ako, dahil kung tama ako, ako at ako rin ang talo. Talo tayo. Kahit anong mangyari, mahal na mahal kita. Umaasa ako sa magandang bukas, pero ang meron lang tayo ay ang ngayon. Maraming salamat sa pag-intindi mo sa akin, mahal ko, sana palagi kang nasa mabuting kalagayan, ganun din ang iyong pamilya.

        

        

 

                                                                                                                     Your love,

                                                                                                                      Jared

Comments

Popular posts from this blog

18

15