1st
August 17, 2021
Imus City, Cavite
Dear Mariam,
Mahal ko, kung nababasa mo itong liham ko sayo, sana ay nasa maasyos kang kalagayan, at sana masaya ka, ganoon din ang iyong mga kapatid at magulang. Sinusulat ko ito, at mag sisimula akong mag sulat upang itala ang aking nararamdaman, at ating mga alala sa isa't isa. Noon pa man, alam ko kahalagahan ng pag sulat, dito mananatili ang mga salita, o istorya ng isang tao, 'gaya ng salita at istorya sa loob ng isip na lumilipas at nakakalimutan.
Mahal ko, isa ka sa mga magagandang pangyayaring dumating sa aking buhay, hindi ko na maisip ang mga panahong dadating na 'di ka kasama. Na iisip ko na ngayon, kung gaano ka kahalaga sakin, mas mahal na kita kay sa sa sarili kong katawan. Kung nababasa mo sana ito, sana huwag mong pabayaan ang sarili mo.
Mahal ko, akala ko noon 'di na uli ako magmamahal, nag-iba lahat nong nakapag-usap tayo uli noong 3rd year college. Alam mo naman kung ano ang nangyari. Ok tayo noong 2nd sem ng 1st year hanggang 1st sem ng 2nd year, hanggang sa mag-iba ang ihip ng hangin. Hindi 'yun kagaya ng iniisip mo na ang dahilan ng pag layo ko ay dahil sa isang babae, kundi dahil sa ating pagkakaiba sa relihiyon. Kristiano ako at Muslim ka. Ang palaging nasa isip ko noon palang, kung hindi lang ikaw Muslim, ikaw na talaga. Akala ko walang pag-asa ang dalawang taong ganoong klaseng ang pagkakaiba sa relihiyon, dahil kailangan ng isa (Ako) na mag pa convert sa Islam para sa ating pagsasama sa hinaharap. Masyado kong inisip 'yon noon dahil alam kong hindi ko puwedeng gawin 'yun alang alang din naman sa aking sariling paniinwala at relihiyon. Subalit nag-iba pagkalipas ng panahon. Mas naiintindihan ko ang mga bagay-bagay, na hindi dapat maging hadlang ang relihiyon ng kahit ano sa pagmamahalan ng tao. Hindi dapat. Kailangan irespeto at igalang ang ating paniniwala. Para sa atin, isusuko ko ang pagkain ng baboy, at tutulungan kitang makaiwas sa mga bawal mong kaainin, sasamahan kita at tutulngan din kitang mag-ayuno sa araw ng Ramadan. At lagi nating tatandaan na laging may paraan. Yun ang susi.
Mahal ko, pagkatapos kong maintindihan ang mga bagay na 'yun, doon din ang umpisa ng lahat.
Your love,
Jared
Comments
Post a Comment