3

                                                                                                                              August 23, 2021                                                                                                                           Imus City, Cavite

 

Dear Mariam,

         Mahal ko, gusto kong malaman mo na may pagkakataon na nararamdaman kong hindi ako ligtas. May pagkakataon na nararamdaman kong iiwan mo ako at ipagpapalit. Tuwing may hindi tayo pinagkakasunduan ay pakiramdam ko ay pinagtatabuyan mo ako. Masakit lang palagi. Gusto ko sana na maranasan na ligtas ako kahit papano sa iyo, na wala ng iba sayo. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman lalo tuwing gabi, kung kailan dapat ako natutulog, ay pinaglalaruan ako ng sarili kong isipan. 'Yun ang dahilan kaya hindi ako makatulog ng maayos, at dahil maaga ako nagigising dahil lalong tumatagal na nakalapat ang aking katawan sa kama, ay nilalamon ako ng kung ano-anong isiping nakakalungkot.  May pagkakataon na kung saan ay 'di ako maka akto ng tama dahil sa selos. Selos ang dahilan? Kung maari sana ay 'di tayo makaranas masyado nito. Alam kong nakakaramdam tayo ng selos dahil hindi pa natin naipapakita sa isa't isa ang pagmamahal, at 'di pa ito napapakita sa ibang tao na tayo ay nagmamahalan, kaya't may pagkakataon na tayo ay nakakaramdam ng di pagkaligtas sa relasyon.  Kung sana lang ay malaman at igalang ng iba ang ating relasyon, ay wala sanang manghaharot sa atin.

            Mahal ko, may pagkakataon na nararamdaman kong may tinatago ka sa  akin. Sana ay wala at gawa lang ng isip ko iyon.  Kung mayroon man, sana ay ikaw mismo ang magsabi sa akin. Ang gusto ko lang para sa atin ay maging masaya tayo at kontento sa isa't isa. Subalit kung palagi ito mahaluan ng pagseselos at paglilihim, lalayo ang loob natin sa isa't isa, at hindi natin maibibigay ang kasiyahan na gusto natin para sa atin. Alam kong mahal mo ako at may tiwala ako na totoo iyon.

            Mahal kong Mariam, mahal na mahal kita palagi. Maniwala ka man o hindi, palagi kitang iniisip na sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at ang iyong pamilya mo. Hindi ako masasaktan kung hindi kita mahal, at bago ako pumasok sa isang relasyon, alam kong may pagkakataon na mararamdaman ko ang mga ganitong mga bagay. Nagpapasalamat ako sayo mahal ko, sapagkat ikaw palagi ang nag papasaya sa akin. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil alam kong hindi ko na kailangang maghanap pa at mamili ng ibang makakapareha sa hinaharap dahil alam kong ikaw ang babaeng gusto ko, ang babaeng nakapagpabago sa akin, at makakatulong para maging mas mabuti akong indibidwal. 

            Mahal ko, marami akong pagkukulang sa atin, alam ko ring 'boring' akong tao, tahimik, at hindi nakakatuwa minsan. Nakakainis akong tao dahil may pagkakataon na kapag ako'y naiinis o masama ang loob ay 'di ko 'yun sinasabi, na nagiging dahilan naman kaya naging malamig ang usapan natin. Dahil nagreresulta ito ng pag-iisip mo kung ano ba ang nangyari o ano ba'ng ginawa mo.  Marami akong kapintasan, mahal ko. Sana matanggap mo at tulungan mo akong magbago na mas maging mabuti. Naalala ko dati, noong sinabi mo na "hanggang kailan mo ako kayang mahalin?" noong nag-uumpisa pa lamang tayo. Alam kong hindi iyon pwedeng sagutin ng salita galing sa bibig, dahil sinasagot 'yun ng patuloy na paggawa ng mabubuting gawa sa kasalukuyan, at pagmamahal sa araw-araw sa hirap man o saya. Ngayon naman ay naitatanong ko sa sarili ko ang parehas na tanong "hanggang kailan mo ako kayang mahalin, Mariam? Pagiging tapat at pagkakuntento ang dalawa sa nagiging dahilan kaya 'di nasisira ang isang relasyon.

     Mahal ko, nalulungkot ako dahil hindi kita kasama palagi. 'Yan ang dahilan kung bakit ako nalulungkot dahil pakiramdam ko mag-isa ako palagi, at ikaw ang nagpapadama sa akin na hindi ako mag-isa. Pasensya ka na dahil dito ko nalang nilalabas ang mga bagay na 'di ko masabi ng bibig.   Mahal ko, alam kong marami pa tayong hindi alam sa isa't isa, pero gusto kong malaman mo na palagi kitang mamahalin at palagi akong magiging tapat sa atin kahit anong mangyari. Pagiging tapat at pagkakuntento ang dalawa sa nagiging dahilan kaya hindi nasisira ang isang relasyon.

 

                                                                                                                     Your love,

                                                                                                                      Jared

 

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

18

4

15