10
September 15, 2021 Imus City, Cavite
Dear Mariam,
Mahal ko, walang araw o oras na hindi kita gusto makita o makasama man. Kung pwede lamang ay palagi tayong magkita, o sana ay palagi tayong magsama. Nakikita ko na kakaharap tayo ng problema sa hinaharap na pipigil sa ating dalawa para 'di tayo mag kita. Subalit laging may paraan. Naka depende ang tadhana natin sa desisyon natin at sa Dios.
Ngayong
araw, may isusulat akong libro para sa iyo. Sana matapos ko ito ng mas
maaga. Ang balak ko ay maikli lang sana pero siksik. Tungkol iyon sa
pakikibaka sa lahat ng dalawang taong nagmamahalan maituloy lang ang
pagmamahalan. Susubukang kong isulat ng buong katapatan at katotohanan
ang lahat, walang tinatangi o kinakatakutan man, maging laban man ito sa
akin. Para sayo ang storyang iyon. Ikaw sana ang gusto kong unang
makabasa no'n. Hanggang sa muli, mahal ko.
Your love,
Jared
Comments
Post a Comment