11

                                                                                                                                                                                                                                                                       September 18, 2021                                                                                                                         Imus City, Cavite

 

Dear Mariam,

         Mahal ko, sa pagsuyod ko ng sa loob ng aking dibdib, mas naiintinddihan ko na ang pag-ibig ay pagiging matiisin, mapagpakumbaba, at 'di sumusuko. Palagi ko itong nababasa, ngayon ay palagi ko nang nararamdaman. Tinatalo ng pag-ibig ang lahat ng masamang pag-iisip. Nararapat lang na lamang palagi ang pagmamahalan ng isa't isa sa lahat ng oras, laban sa "pride" o kayabangan. Ang "pride" ay hindi pagtanggap sa sarili, nasa tama man o kamalian. Sa isang relasyon, para itong anay sa kahoy, hindi napapansin ng mga tao na ang loob pala ay unti-unti nang nasisira, walang kaluskos o tunog, malalaman mo nalang kung mabali na ito. Hindi na kayang magawa, kailangan ng palitan.   Ang ugali ng isa ay naihahawa sa isa, mabuti man ito o masama, hanggang sa maging magkatulad na sila. Talos kong ako man ay biktima ng sarili kong kahinaan at kasiraan. Pag-ibig at pagsasabi ng katotohanan, na walang kinikimkim, walang bawas o kulang, walang tinatago, at walang pinipigil kahit na pagdaing ng puso ang kakaharapin, ang tatalo sa mga ito.  

        Naalala ko kapag nagkakamali ang tao  ay nilalayuan ito at iniiwan, hindi hinahayang matuto sa pagkakamali nila, at iyo'y hindi  nakakatulong. Ang dapat itanong sa ating sarili ay, mali ba siya?, o ikaw? O sino bang hindi nagkakamali?  Sino ang may pagkukulang? Siya o ikaw? o parehas lang kayo? Kailangan bang layuan siya, o kailangan lang maitama ang mali. Kung siya'y karapatdapat mapatawad, matapat ba niyang pinagsisihan ang lahat at 'di na uli ito gagawin? Karapatdapat ba akong patawarin din kapag ako ang may kasalanan?  

          Minsan, nababali ng tao ang sariling batas sa kanyang sarili para sa isa pang tao. Alam kong mahal kita, dahil kahit napapaso ako, nandito pa rin ako sayo. Naniniwala akong buo ang pag-ibig ko sa katauhan mo at sa konsepto ng pag-ibig.  Alam kong hindi ako manghihinayang sa lahat ng pwedeng mangyari. Alam kong mahal mo rin ako kaya't magpatuloy tayo sa buhay.


                                                                                                                       Your love,

                                                                                                                        Jared

Comments

Popular posts from this blog

18

4

15