6
September 3, 2021 Imus City, Cavite
Dear Mariam,
Mahal ko, dalawang pu't dalawang taon pa lang ako ngayon, pero masasabi ko na nagmamahal ako ngayon ng isang tao higit saking sarili. Ngayon ko naramdaman ang pakiramdaman na kapag nawala ka, malaking parte ng sarili ko ang mawawala. Matagal na noong huli akong nagkaroon ng matinding pag-alala sa isang tao. Natatakot tayong ibigay ang lahat dahil sa paniniwalang kailangan magtira para sa ating sarili kung mawawala man ang ating kabiyak. Ngunit hanggang kailan mag-iintay ang tao bago niya ibigay ang buo niyang sarili? Kung papanaw na ito? Naniniwala ako na ang malakas na tao ay ibibigay ang lahat ng kanyang makakaya, at kahit mawala man ang kabiyak niya at madurog siya, pupulutin niya ang mga piraso niya at matapang na bubuuin uli ang kanyang sarili, at magsisimula muli.
Mahal
ko, maging matapang tayo palagi, piliin natin ang magpapasaya sa atin,
manatiling kuntento sa isa't isa, subalit magkaroon ng mabuting pangarap
sa hinaharap. Mahal ko, anong pangarap mo sa ating dalawa? Mahal ko,
mag-iingat ka palagi, 'wag mong pababayaan ang sarili mo.
Hinahanap-hanap kita palagi, nagseselos ako sa mga taong nakikita ka
palagi, maswerte sila masyado.
Your love,
Jared
Comments
Post a Comment