7

                                                                                                                                  September 5, 2021                                                                                                                       Imus City, Cavite

 

Dear Mariam,

         Mahal ko, kung wala ka sa tabi ko, ang pagsusulat lang ang makakasalba sakin sa kalungkutan nang pagiging mag-isa. Naiibsan nito ang lumbay sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga bagay na gusto nating mailabas, sa pag-aakalang may makakkabasa nito at makakatulong sa atin. Hindi nito na iibsan ng lubusan, ngunit nakakatulong matakpan ang mga suliranin na nasa harapan, para malibang at mapalipas ang oras. Hindi ito ang sagot sa problema, subalit nakakaktulong ito maibalik ang sarili sa galing sa pagkakasira. Maraming manunulat ang masasabi kong mahilig magsarili o gusto palaging mag-isa, dahil nakakahanap sila ng kasiyahan sa katahimikan. Nasisiyahan din naman sila kung may kasama, ang kaibahan lang ay may ligaya sa puso nila kapag nag-iisa.

        Mahal ko, kung paanong ang pagsusulat ay nagpapasaya sa akin, ganoon din ang pagbabasa ng libro. Dito makikilala mo ang maraming tao, makakausap mo ang mga intelektuwal, makakausap mo sila at makakapulot ka ng aral sa kanila.  Nakakalibang at nakakabusog. Nakakasaya at nakakalungkot. Nakakalunas at nakakasakit. Ngunit sa huli, mabuti ang dulot nito.

        Mahal ko, hindi ko hinihiling ang storya natin na maging masaya lang, dahil alam kong imposible iyon. Kagaya ng barya, palaging may kabilang banda. Kahit ganoon man, ang hiling ko lang ay kung may babasa ng istorya natin ay tayo pa rin hanggang huli.  Mahal na mahal kita, maging hanggang sa huli sana.

 

                                                                                                                     Your love,

                                                                                                                      Jared

Comments

Popular posts from this blog

18

4

15