9
September 8, 2021 Imus City, Cavite
Dear Mariam,
Mahal ko,madaling magmahal sa ilalim ng sikat ng araw habang tanaw-tanaw ang magagandang mga rosas, at maaliwas na kapaligiran. Madaling mag mahal kapag nasa mesa ang mga pagkain. Madaling magmahal kapag may mga gamit, may magandang suot na damit, at kapag may nakikitang kapakinabangan, at kapag kumpleto. Madaling magmahal kapag walang iniinda, walang sugat, at walang sakit. Samakatuwid baga'y madaling magmahal ang tao kung nakikita niya ang mgagandang bagay ay sumasakanya at umaayon sa kanyang oras o pangangailangan at kagustuhan. Subalit ang pagmamahal na iyon ay maigi lamang at tatagal kung mananatili ang mga bagay na magaganda. Paano kung mawala iyon? Hanggang saan ang pag-ibig ng taong iyon kung wala siya? Hanggang kailan? Sinasabi ko nga, ang tao ay dapat mahalin sa oras ng bagyo, unos, hirap, pighati, sakit, at pagkawala. Ang tunay na pagmamahal ay pinapanday at napipino sa hirap, at hindi lang sa ginhawa.
Mahal
ko, mamahalin kita sa lahat ng oras, mabuti o masama, sa lahat ng
pagkakataon at sitwasyon. Ikaw ang gusto ko walang ng iba.
Your love,
Jared
Comments
Post a Comment