12
April 10, 2022 Imus City, Cavite
Dear Mariam,
Mahal ko, matagal na nung huli akong nakapag sulat sayo, madaming nangyari at parehas na tayong nag hahanap-buhay, at alam kong papunta ito sa maganda bagay kung pagbubutihin natin ito at mananatiling mabuting indibidwal. Makakabili na tayo ng mga bagay gusto natin kung mag iipon tayo. Mas maganda rin para sakin kung magiging praktikal na tayo sa mga bagay-bagay. Alam ko rin na magiging madalang ang pag kikita natin o pag-uusap dahil dito. Wala namang magiging problema kung magiging tapat lang tayo sa isa't isa at manatiling tapat sa ating pagmamahalan. Magagawan natin ng paraan ang mga bagay-bagay. Itong darating ay magiging pagsubok sa atin, na biyaya din naman dahil sa pinansyal na magagawa nito para sa ating mga sarili. Basta't tandaan mo lang na laging may paraan. Huwag mawalan ng pag-asa. Magpatuloy lang tayo sa buhay. Mag-iingat ka palagi, palagi kitang iniisip kahit nasa trabaho ako. Gusto ko palaging umuwi ng maaga para makausap ka. Kaso nga lang, minsan ay talagang natatagalan ako. Tandaan mo rin na itong trabahong meron tayo ay walang kasiguraduhan, kahit anong araw ay pwedeng mawala dahil sa isang sirkumtansya. Huwag sanang lalaki ang ulo natin. Bilog ang mundo. Mahal na mahal kita.
Comments
Post a Comment