14

                                                                                                                             April 11, 2022                                                                                                                                                                                   Imus City, Cavite

 

Dear Mariam,

         Mahal ko, masaya ako na palagi tayong magkasama at alam kong maswerte tayo dahil hindi lahat ay nagagawa ito. May mga mayayamang tao na kayang bumili ng maraming bagay, subalit hindi kayang mabili ang mga sandaling kasama ang mahal niya sa buhay. Isa tayo sa masweteng tao ngayon at sana habang nandito pa ang pagkakataon ay huwag nating sayangin, wala namang permanenteng bagay, lahat ay maglalaho sa huli. Subalit ito lang ang parte sa buhay na puwede nating ipagdiwang. May mga panahon na malungkot tayo, may panohon ng pag-iyak, may panahon ng pagdadalamhati, may panahon ng pagsisisi, at may mga panahon pa ng pagdurusa na ating na titikman sa buhay, at lahat ng ito'y parte ng buhay. At katulad ng masasayang araw, natatapos rin ito. Mahal ko, sulitin natin ang bawat oras na magkasama tayo, kahit ito'y parte sa ating buhay na lilipas, kahit ang ating alala man ay lilipas. 

        Mahal ko, natatakot ako sa hinaharap. Dahil hindi ito sigurado at kontrolado. Sumasakit at parang may namamahay na daga dito sa aking tiyan sa tuwing iisipin kong tayo'y magkakalayo. Gusto ko lang naman ng isang masaya, payak, at balanseng buhay sa piling mo. Natatakot ako na kung hindi ako makahanap ng magandang trabaho ay mawawala ka sa akin, o wala akong mukhang ihaharap sa papa mo. Gusto ko sanang makahanap na tayo sa lalong madaling panahon ng magandang pamumuhay, bilang isang manager. Magtiwala tayo sa isa't isa, at sariling kakayahan. Maging mabuti tayo sa kapwa. Mahal ko, hanggad sana'y hindi na tayo magkahiwalay pa kahit anong mangyari.

Comments

Popular posts from this blog

18

4

15