16

                                                                                                                              August 5, 2022                                                                                                              Imus City, Cavite

 

Dear Mariam,

         Mahal ko, ang nagpatuloy ang magagandang araw ng ating pag-iibigan, at nais pa itong dagdagan. Magandang buhay ang ating hangad sa hinaharap kaya't tayo ay nagsisikap sa bawat araw. Walang araw na hindi tayo nagsikap at patuloy na lumalaban para sa buhay. At kung mabasa man nang magiging anak natin ang mga sinulat ko, sana'y may matutunan silang aral dito. Na tayong dalawa ay araw-araw na nilalabanan ang ating mga sakit at kalungkutan.  Ito ang sakit at dinaramdam ng nakararami, ang ating mga kahinaan at sariling interes. Ito ay gaya ng kalayawan, mga masasamang gusto ng katawan at mga mga masasamang pag-iisip. Kasama nito ay ang kalungkutang ating nilalabanan, na kahit matalo natin ay bumabalik sa oras ng ating kahinaan, pisikal man o mental. Kaya't itong dalawang kalaban na ito'y laging magkasama at nagtutulong upang tayo'y gibain at paghiwalayin. Subalit masasabi kong malakas tayo at kinakaya ito. 

        Mahal ko, mag-uumpisa na ang ating negosyo na alam kong makakatulong sa atin pinansyal upang makaipon ng pera sa lalong mablis na panahon. "Street food" simpleng negosyo, maliit ang puhunan, at pang masa. Kikita dito kahit paunti-unti, ang importante ay tuloy-tuloy. Ginagawa pa lang ito at inaasahan ko na sa loob ng isang linggo ay tapos na ito. Sa lugar niyo i pupwesto ito at ikaw ang mamamahala halos. 50/50 ang hatian natin sa kita. 175 ang mapupunta sa renta sa may ari ng cart na tayo din naman. 25 sayo, 50 kay Jove at 100 sa akin. Ang kita naman sa cart ay sa ating dalawa at gagamitin natin sa pag bili pa uli ng panibagong cart at sa pag-iipon para makapag-umpisa tayo ng karinderya. Konti nalang at kapag na umpisahan ito ay magiging ok na ang lahat. Hanggang sa muli mahal ko.


                                                                                                                    Your love,

                                                                                                                      Jared

Comments

Popular posts from this blog

18

4

15