17

  

                                                                                                        August 22, 2022                                                                                                        Imus City, Cavite

 

Dear Mariam,

         Mahal ko, noong bata  tayo, mahalaga kung ano ang alam mo. Dapat kapag tinanong ka ng iyong guro ay alam mo ang sagot, kung hindi ay mapapahiya ka. Kailangan alam mo kung ano ang isasagot sa pagsusulit kung hindi babagsak ka. Kailangan mong mag-aral pagkalabas mo sa eskwelahan dahil pagagalitan ka ng iyong magulang. Mukha kang matalino kapag marami kang alam. Siguro ganyan ang buhay estudyante sa ilan. Ngayon nakapagtapos na sa pag-aaral, hindi nalang ito tungkol sa mga alam mo, kundi paano mo ito gagamitin ng tama at maayos.

        Sinasabi ko ito dahil dalawang buwan na akong manager at ako ay sinasahuran ng isang magandang kompanya (EGC). Akala ko manager na ako na pinangarap ko, 'yung tipong paupo-upo lang at puro mando, pero ang totoo ay tauhan pa rin ako. Pantay-pantay kaming lahat, mas dumami lang ang gawain ko ngayon. Crew at Manager na. 

        Ako 'yung taong ayaw na inuutos-utusan at ayaw na ayaw kong pinapagalitan ako, kaya siguro ay nag manager ako. Bukod doon ay malaya akong makakapag cellphone sa trabaho. Pero hindi palaga ganoon, limitado pa rin ang galaw mo, maraming matang nakatingin at nagbabantay sa bawat galaw mo, at mas mataas ang iniatang na responsibilidad sayo nino? Syempe ng boss mo/ko. Kaya naisip kong maging boss ng sariling negosyo. Hindi man ako ang nag-iisang may-ari, atleast akong boss. Food Cart Business ito. May nakuha na akong tao, si Potoy na kapit-bahay lang namin. Ma-boka siya at mapagkakatiwalaan at alam kong kaya niya ang trabaho. 20% ng kita ng cart papasahod sa kanya.  Php 20 ang 4 na kwek-kwek pugo sa stick,  at 75  stick ang quota. Php 12 ang isang kwek-kwek medium na itlog, 20 piraso ang quota. Php 6 ang isang stick ng isaw, 33 piraso ang quota. May juice din naman, 10L ang quota kada araw o 44 na 8oz na plastic cup. Saktuhan lang ang kita, pero malaking bagay na rin pag naipon.

        Sana magtagumpay at hindi ako susuko dito. Marami nako nagastos kaya 'di puwedeng malugi. Hanggang sa muli.

                                                                                                                    Your love,

                                                                                                                      Jared

Comments

Popular posts from this blog

18

4

15