19

                                                                                                         December 9, 2022                                                                                                           Imus City, Cavite

 

 

Dear Mariam,

         Mahal ko, maraming bagay ang lumipas sa loob ng halos tatlong buwan, umpisahan ko na sa trabaho ko. Wala na akong trabaho noon pang Septyembre bente tres, at dahil iyon sa palagian kong pag-late at pa ila-ilang pag-absent, dahil sa negosyo. Ngunit may nag-usap na kami ng Head ng HR na kung may hiring sa banda sa Imus ay kukunin niya ako. At pagkatapos ng apat na Linggo ay nag text siya sa akin at kinakumusta ang ating negosyo at kung handa na ako para sa Imus. Subalit hindi ako sumagot sa kanyang text dahil abala ako sa negosyo, dahil maraming pagbabago.

        Mahal ko, pagkatapos ng dalawang buwan ay nagkaroon tayo ng panibagong cart. 'Yan ang magandang nangyari. Ang masama ay nawalan tayo ng tindero dahil inalis ko si Gelo dahil sa pagabang nito at walang pakikisama sa trabaho at malasakit. Mahabang storya. Pinalitan siya ni Kenneth, bente tres anyos, nag tatato at puro tato ang katawan hanggang mukha. Sa isang cart naman ay si Mae, dating vendor ng Las Pinas. Tatlong linggo lang ang tinagal nila parehas dahil si Kenneth may pending na kasong drugs, si Mae 'di mapagkakatiwalaan. Mahabang storya. Ngayon naman, si Jun at ang kanyang asawa na si Cris, kasama ng tatlo nilang anak na lalaki; anim, lima, at dalawang taong gulang. Stay-In sila samin, sa dating budega. Nilinis lang iyon at nilagyan ng kisame linolyum ang sahig pero ayos na rin. 15% ang sahod nila at walang allowance. Walang bayad sa renta. Hindi na rin naka pwesto sa LTO ang cart kundi sa loob ng simbahan sa may gate, at ang isa ay sa tapat ng canteen sa gilid ng dating munispyo ng Imus. Tatlo hanggang apat na libo ang kadalasang kita kada araw, at masasabi kong lumalago ang negosyo.   Bumuli ako ng bagong cart pang pares ngunit aayusin pa ito. Naniniwala ako na pares ang hinaharap ng negosyo natin. Doble ang kita doon. Hindi rin mahirap humanap ng tindero dahil mas malaki ang ipapasahod. 

        Mahal ko, a isang taon pa sana ako mag tatrabaho, sa Enero, pag na ayos ko na lahat, at naumpisahan ang pares na negosyo. Nahihirapan lang akong mag desisyon kung ano at saan ako mag tarabaho muli. Subalit kung mapagsabay ko ang trabaho at negosyo, naniniwala akong malaki at mabilis tayong makaka-ipon.

        Mahal ko, sa relasyon natin, nagsasama na uli tayo dahil naka alis na ang iyong ama. Mas malaki na rin ang tiwala niya sa atin. Mas masaya tayo ngayon at mas malaya. Alam mo ang ibig-kong sabihin, at alam kong alam mo ang nasa puso't isip ko.


 

                                                                                                                    Your love,

                                                                                                                      Jared

Comments

Popular posts from this blog

18

4

15